Wednesday, February 16, 2011
Monday, March 15, 2010
Kulturang Atin, Di Mapantayan
Itong ating bansa kay sagana sa kultura.
Kulturang hindi mapapantayan,
Ito’y walang katulad,
Pagkat ang Pilipino’y sadyang napakahali-halina,
Sa paggawa ng sarilang kultura.
Sa ating munting kultura ,
Pilipino’y nagkaka-isa,
Maging mahirap man o mayaman,
Bata man o matanda,
Maging sa tao ring may kapansanan.
Kulturang hindi maihalintulad sa iba,
Kultura sa ninuno’y minana’y,
Kulturang ating ipagbandila sa buong mundo,
Kulturang siyang ating nalalaman,
Dapat ipagbunyagi upang tayo’y maging kilala.
Kulturang hindi mapapantayan,
Ito’y walang katulad,
Pagkat ang Pilipino’y sadyang napakahali-halina,
Sa paggawa ng sarilang kultura.
Sa ating munting kultura ,
Pilipino’y nagkaka-isa,
Maging mahirap man o mayaman,
Bata man o matanda,
Maging sa tao ring may kapansanan.
Kulturang hindi maihalintulad sa iba,
Kultura sa ninuno’y minana’y,
Kulturang ating ipagbandila sa buong mundo,
Kulturang siyang ating nalalaman,
Dapat ipagbunyagi upang tayo’y maging kilala.
Munting Tahanan

Pagmasdan ang daigdig,
Ang tahanan natin.
Ang munting regalo ng panginoon,
Para sa mga dakilang anak.
Buong-buo ibinigay sa atin.
Ang bundok na nagsilbing dingding,
Ang lupa ang siyang sahig,
At ang langit ang siyang bobong,
Ang tahanan natin.
Ang munting regalo ng panginoon,
Para sa mga dakilang anak.
Buong-buo ibinigay sa atin.
Ang bundok na nagsilbing dingding,
Ang lupa ang siyang sahig,
At ang langit ang siyang bobong,
Masdan niyo ang munting tahanan.
Ibang-iba na ngayon kaysa kahapon,
Wasak na wasak at sira na sira,
Dahil tayong mga tao’y pabaya.
Mga taong kay tigas ng ulo,
Yaman man ay pinagsamantalahan,
Tila walang pakialam sa mundong ginagalawan,
Dapat pa nga tayo’y magpasalamat.
Itong ating daigdig ay huwag pabayaan.
Tayo rin ang kawawa,
Pagkat wala ng matitirhan pa.
Munting tahanan ating alagaan.
Ibang-iba na ngayon kaysa kahapon,
Wasak na wasak at sira na sira,
Dahil tayong mga tao’y pabaya.
Mga taong kay tigas ng ulo,
Yaman man ay pinagsamantalahan,
Tila walang pakialam sa mundong ginagalawan,
Dapat pa nga tayo’y magpasalamat.
Itong ating daigdig ay huwag pabayaan.
Tayo rin ang kawawa,
Pagkat wala ng matitirhan pa.
Munting tahanan ating alagaan.
Bakit Pa Na Uso?
Puso ko’y natutuwa tuwing nakikita।
Ako’y napaindak sa sobrang saya.
Pagkatabi kita,
Dibdib ko’y tumitibok.
Sa tingin mo lang,
Ako’y natutunaw,
Di alam anong gagawin,
Natamimi sa sobrang kaba.
Minahal mo ako,
Minahal din kita,
Pagmamahal ko’y ibinigay,
Iniwan mo lang ako sinta,
Akala ko’y ikaw na!
Ika’y para sa aki8n,
Pero hindi pala,
Hindi tayo para sa isat-isa.
Pag-ibig nga naman.
Bakit pa mayroong pag-ibig?
Nakakaluka’t nakakalungkot.
PAG-IBIG . . . Bakit pa na uso?
Ako’y napaindak sa sobrang saya.
Pagkatabi kita,
Dibdib ko’y tumitibok.
Sa tingin mo lang,
Ako’y natutunaw,
Di alam anong gagawin,
Natamimi sa sobrang kaba.
Minahal mo ako,
Minahal din kita,
Pagmamahal ko’y ibinigay,
Iniwan mo lang ako sinta,
Akala ko’y ikaw na!
Ika’y para sa aki8n,
Pero hindi pala,
Hindi tayo para sa isat-isa.
Pag-ibig nga naman.
Bakit pa mayroong pag-ibig?
Nakakaluka’t nakakalungkot.
PAG-IBIG . . . Bakit pa na uso?
Mga Chismosang Kapitbahay

Umagang-umaga’y kay puno na ng tinga,
Mga tinig ng kapitbahay ika’y magigising,
Sa sobrang ingay kay sakit pakingan.
Labing malilikot kay sarap sapakin.
Ang lalamunan na kumakati’y hindi maagapan,
Pagkat mga tao na ang pinag-uusapan,
Walang prino ang pagsasalita,
Parang rakistang kumakanta.
Kaya kung sakaling kayoy dumaan,
At kayo’y makarating sa aming lugar,
Huwag ipagtaka na madatnan,
Mga taong walang magawa.
Mata’y nakatingin na humanga sa’yo.
Balita rito, balita roon.
Mapupunta saang lalawigan,
Mga kasinungalingang pinakalat,
Ito pa’y madagdagan.
Kung makipaghalubilo,
Umastang parang totoo,
Pagtalikod mo’y pinag-uusapan.
Pakitang tao lang pala!
Mga tinig ng kapitbahay ika’y magigising,
Sa sobrang ingay kay sakit pakingan.
Labing malilikot kay sarap sapakin.
Ang lalamunan na kumakati’y hindi maagapan,
Pagkat mga tao na ang pinag-uusapan,
Walang prino ang pagsasalita,
Parang rakistang kumakanta.
Kaya kung sakaling kayoy dumaan,
At kayo’y makarating sa aming lugar,
Huwag ipagtaka na madatnan,
Mga taong walang magawa.
Mata’y nakatingin na humanga sa’yo.
Balita rito, balita roon.
Mapupunta saang lalawigan,
Mga kasinungalingang pinakalat,
Ito pa’y madagdagan.
Kung makipaghalubilo,
Umastang parang totoo,
Pagtalikod mo’y pinag-uusapan.
Pakitang tao lang pala!
Ikaw

Ika’y aking kaibigan,
Kakambal ko saan man,
Kasama sa kabutihan at kasamaan,
Kasama sa kasiyahan at kalungkutan.
Lungkot mo’y aking panggitiin,
Sakit na nadarama aking pasiyahin.
Lumingon ka lang,
Pagkat nandito ako.
Nais kung malaman mo,
Ika’y bahagi ng buhay ko,
Nagbibigay ng kulay ng mundo ko,
Pagkat nandyan ka sa tabi ko.
Ikaw ay mahalaga sa akin,
Para sa’yo akoy lalaban.
Sa puso ko’y ikaw . . .
Salamat . . . aking kaibigan.
Kakambal ko saan man,
Kasama sa kabutihan at kasamaan,
Kasama sa kasiyahan at kalungkutan.
Lungkot mo’y aking panggitiin,
Sakit na nadarama aking pasiyahin.
Lumingon ka lang,
Pagkat nandito ako.
Nais kung malaman mo,
Ika’y bahagi ng buhay ko,
Nagbibigay ng kulay ng mundo ko,
Pagkat nandyan ka sa tabi ko.
Ikaw ay mahalaga sa akin,
Para sa’yo akoy lalaban.
Sa puso ko’y ikaw . . .
Salamat . . . aking kaibigan.
Mahalin Mo Sana

Kung mahirap akong mahalin,
Mahirap ka ring itindihin,
Ilang ulit sabihin,
Sana ako’y mahalin.
Bakit ganyan ka?
Ako’y iyong ibinaliwala.
Lahat ay akin ginawa,
Bakit hindi mo ako matanggap?
Ang sakit isipin,
Ako’y hindi mo kayang mahalin.
Kahit ganyan ka,
Mahal pa rin kita.
Bakit wala akong puwang sa puso mo?
Hindi mo ba nadama ang naramdaman ko?
Ako’y walang pagkukulang sa’yo.
Kunting pagmamahal lang sana’y mapagbigyan.
Mahirap ka ring itindihin,
Ilang ulit sabihin,
Sana ako’y mahalin.
Bakit ganyan ka?
Ako’y iyong ibinaliwala.
Lahat ay akin ginawa,
Bakit hindi mo ako matanggap?
Ang sakit isipin,
Ako’y hindi mo kayang mahalin.
Kahit ganyan ka,
Mahal pa rin kita.
Bakit wala akong puwang sa puso mo?
Hindi mo ba nadama ang naramdaman ko?
Ako’y walang pagkukulang sa’yo.
Kunting pagmamahal lang sana’y mapagbigyan.
Subscribe to:
Comments (Atom)
