
Umagang-umaga’y kay puno na ng tinga,
Mga tinig ng kapitbahay ika’y magigising,
Sa sobrang ingay kay sakit pakingan.
Labing malilikot kay sarap sapakin.
Ang lalamunan na kumakati’y hindi maagapan,
Pagkat mga tao na ang pinag-uusapan,
Walang prino ang pagsasalita,
Parang rakistang kumakanta.
Kaya kung sakaling kayoy dumaan,
At kayo’y makarating sa aming lugar,
Huwag ipagtaka na madatnan,
Mga taong walang magawa.
Mata’y nakatingin na humanga sa’yo.
Balita rito, balita roon.
Mapupunta saang lalawigan,
Mga kasinungalingang pinakalat,
Ito pa’y madagdagan.
Kung makipaghalubilo,
Umastang parang totoo,
Pagtalikod mo’y pinag-uusapan.
Pakitang tao lang pala!
Mga tinig ng kapitbahay ika’y magigising,
Sa sobrang ingay kay sakit pakingan.
Labing malilikot kay sarap sapakin.
Ang lalamunan na kumakati’y hindi maagapan,
Pagkat mga tao na ang pinag-uusapan,
Walang prino ang pagsasalita,
Parang rakistang kumakanta.
Kaya kung sakaling kayoy dumaan,
At kayo’y makarating sa aming lugar,
Huwag ipagtaka na madatnan,
Mga taong walang magawa.
Mata’y nakatingin na humanga sa’yo.
Balita rito, balita roon.
Mapupunta saang lalawigan,
Mga kasinungalingang pinakalat,
Ito pa’y madagdagan.
Kung makipaghalubilo,
Umastang parang totoo,
Pagtalikod mo’y pinag-uusapan.
Pakitang tao lang pala!
No comments:
Post a Comment