Monday, March 15, 2010

Munting Tahanan


Pagmasdan ang daigdig,
Ang tahanan natin.
Ang munting regalo ng panginoon,
Para sa mga dakilang anak.

Buong-buo ibinigay sa atin.
Ang bundok na nagsilbing dingding,
Ang lupa ang siyang sahig,
At ang langit ang siyang bobong,


Masdan niyo ang munting tahanan.
Ibang-iba na ngayon kaysa kahapon,
Wasak na wasak at sira na sira,
Dahil tayong mga tao’y pabaya.

Mga taong kay tigas ng ulo,
Yaman man ay pinagsamantalahan,
Tila walang pakialam sa mundong ginagalawan,
Dapat pa nga tayo’y magpasalamat.

Itong ating daigdig ay huwag pabayaan.
Tayo rin ang kawawa,
Pagkat wala ng matitirhan pa.
Munting tahanan ating alagaan.

1 comment:

  1. kapag gumait ng salitang "Panginoon" ang P ay kailangang nakasulat sa malaking letra.... simple... pero maganda.... JAG

    ReplyDelete